Friday, May 23, 2008

There's a price to pay for being a network's prize catch!

FIRST READ ON PEP: Marian Rivera airs 
her side about YouTube video
Nitz Miralles
Friday, May 23, 2008


Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pinadalhan ng isang nagngangalang Lawrence Marbeda (hindi namin tiyak kung tunay niyang pangalan ito) ng link sa YouTube ng video na tinawag niyang "Pagmumura at Pagwawala sa shooting ng Dyesebel." Under sa "Marian Scandal" sa YouTube ang video na kuha sa taping (hindi shooting gaya ng nakasaad sa email) ng Dyesebel sa Subic a few weeks ago.

Sa nasabing video, makikitang galit si Marian at mukhang may kaaway at may isa pang video na makikita ang isang lalakeng paulit-ulit na sinampal ng hindi nakikitang tao at kamay lang nito ang visible. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa nasabing lalake.

May kasamang transcript ng palitan ng salita nila Marian at ng lalake ang ipinadalang e-mail sa amin, pero hindi ang buong video. Kumbaga, pinili lang ni Mr. Marbeda ang isinama sa transcript.

Tamang-tama namang naimbitahan ang PEP sa taping ng Dyesebel sa Loyola Grand Villas sa Quezon City kahapon, May 22, kaya sumugod kami sa location, na sa teleserye'y palalabasing bahay nina Don Juan (Ricky Davao) at Fredo (Dingdong Dantes).

Para hindi mabigla, ibinulong muna ng PEP kay Marian ang bagong isyu sa kanya na kumakalat sa Internet at naka-post sa YouTube. Alam na pala ng young actress na may naka-post siyang video sa YouTube, pero hindi pa raw niya napapanood. Nag-text siya sa mga kamag-anak at close friends na panoorin yun at i-text sa kanya ang kanilang feedback.

MARIAN SPEAKS UP. Ipinakuwento na rin ng PEP kay Marian ang buong pangyayari para marinig naman ang side niya. Humingi ng ilang minuto ang young actress sa staff ng Dyesebel para ikuwento ang side niya.

"Ganito yun," simula niya. "Nasa set kami sa Subic. Alam ng lahat na bawal ang mag-video lalo na kung hindi pa umeere ang episode. Nakita ko siyang [yung lalake sa YouTube] kumukuha ng video at biniro ko ng ‘Kuya, nagbi-video kayo, bawal ‘yan.' Ang sagot ba naman, ‘Bakit, ikaw ba ang bini-video ko?' Pakialam ko raw. Pabalang ang sagot at nagulat ako, nagkasagutan kaming dalawa.

"Tinanong ko kung staff siya. Taga-processing daw siya. Nagulat ako, bakit ganun ang reaction niya sa akin. Kahit payat at maliit ako, hindi ako papayag apihin. Caviteña ako, lalaban ako! Walang nang-aapi sa akin!" lahad ni Marian.

Pinuna ni Mr. Marbeda sa ipinadala niyang email sa amin na sumisigaw si Marian sa video. Pati raw ang personal assistant (PA) at staff ng Dyesebel ay sinisigawan din ng young actress. May paliwanag din si Marian dito.

Aniya, "Alam n'yo, malakas talaga akong magsalita at hindi na bago sa staff yun. Wala akong sinisigawang PA, dahil that day na nagte-taping kami sa Subic, wala akong PA, nag-resign siya dahil buntis. Bago ang PA ko ngayon, two days pa lang sa akin at medyo may edad na ang kinuha ko para hindi magbuntis."

Sinegundahan ng direktor ng Dyesebel na si Joyce Bernal ang mga sinabi ni Marian na wala kasamang PA o alalay ang young actress that fateful day, dahil buntis nga ang PA nito.

Itinanong din ng PEP kay Marian ang video ng nakasagutan niyang lalake na paulit-ulit na sinasampal, pero hindi nakita kung sino ang sumampal at kamay lang ng nanampal ang nakita. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa lalake.

"Wala akong sinampal, wala akong sinaktan," mariing sabi ni Marian. "Ni hindi ko nga siya hinawakan, nagkasagutan lang kami. Inawat na kami ng staff. Dapat hinamon ko na lang siya ng suntukan!"

Feeling ba niya frame-up ang nangyari? Bakit may nag-video ng nangyari at bakit edited?

"Bahala na sila," sabi niya. "Ang importante sa akin, hindi ako nag-power trip. Okey lang siraan at pintasan nila ako, tanggap ko lahat na kaparte ng trabaho ko ito. Dapat masanay na ako, dahil lahat na lang ng kilos ko... Tinatanong ko lang ang manager ko [Popoy Caritativo], kung bakit ayaw akong tantanan. Ganun din ang sinasabi niya, na bahagi ito ng showbiz at kailangan kong masanay."

Ang hindi raw ipinakita sa video ay ang nangyari kinabukasan—ang pagbabalik ng lalake sa set at kinausap si Marian.

"The next day, bumalik siya, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan kami. Alam ko sa sarili ko na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako. Mali ba ang ginawa ko?" tanong ni Marian sa PEP.

MARIAN SUPPORTERS. Matutuwa si Marian dahil marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya. Bukod sa binasa niyang text messages, marami rin ang nag-email at kinukondena ang ginawa ng lalake. Kahit sila'y naniniwalang frame-up ang lahat.

Kabilang sa nag-email sa PEP sina Arya Tupaz ng UPBL College, Laguna; Belleraf; Marylou Gallienne na member ng Global Fans of Marian at taga-Calgary, Toronto; si Mildred Borlongan; at Christine Anne Factoriza.

Nagtatanong ang mga nabanggit kung bakit nakapasok sa set ang lalake at hindi sinita kahit kinakitaan na ng video. Ano raw ang ginagawa ng GMA-7 para protektahan si Marian at ang iba nilang artista para hindi na maulit ang nangyari?

Naniniwala rin silang frame-up at plinano ang nangyari at gusto nilang iparating ang suporta nila sa young actress. 

L.A. TRIP. On a happier note, excited na si Marian sa Los Angeles trip nila ni Dingdong Dantes. Sa July 19 sila aalis para dumalo sa GMA Pinoy TV event doon. Babawi na lang daw siya sa Los Angeles sa hindi natuloy na hinihingi niyang bakasyon sa Madrid, Spain para bisitahin sana ang ama at relatives niya roon.

Napansin ng PEP na Pond's ang gamit ni Marian na pang-alis sa prosthetics niya sa mukha at siya mismo ang nag-aalis nito. Magpapalagay na lang daw uli siya pagdating nila sa Ocean Park sa may Quirino Grandstand, kung saan sila lumipat ng location after the Loyola Grand Villas set-up.



hellokitty11.gif

          -NEXT-


Abante
Jun Nardo
Friday, May 23, 2008 

Balitang may minura sa set ng Dyesebel si Marian Rivera. Eh, paano naman daw kasi, binastus-bastos ito ng isang lalaking wala ’atang magawa sa buhay. 

Buti nga’t minura lang siya ni Marian, ’noh! Kung kami ’yon, tinadyakan pa namin ang “balls” niya!
Ito namang detractors ni Marian, tira nang tira without getting the actress’ side. 
Hay naku, kahit ano pang intriga ang ipukol kay Marian, hindi matitinag sa pagiging number one ang Dyesebel. 
Si Marian na nga ang bagong Nora Aunor o Superstar ng kanyang henerasyon wether some like it or not, tsuk!



hellokitty11.gif

            -NEXT-


Marian, umiral ang pagiging Caviteña
Joe Barrameda
Friday, May 23, 2008

NAKARATING na kay Marian Rivera ang tinaguriang ‘Marian Scandal’ sa Youtube kung saan may sinampal kuno siyang fan.
Nang makatiska namin si Marian sa set ng Dyesebel ay ipinagdiinan niya na wala siyang sinampal na fan o kahit sino man.
Maski sa production na pinagtrabahuhan niya ay walang siyang naging problema.
Aminado si Marian na may isang insidenteng nangyari sa set ng Dyesebel.
May nakita siyang lalaking nakaupo sa hagdanan ng pinagte-taping-an nila na nakaumang ang celfone sa kanya at sa tingin niya ay nagbi-video.
Bawal na bawal sa set ang nagbi-video at baka ma-preempt ang mga eksena nila.
Pabiro raw niyang kinuha ang atensyon ng nagbi-video para malaman nito na nakikita siya ni Marian.
Sinagot daw siya nang pabalang.
Akala niya ay nagbibiro ang lalaki thinking na isa ito sa taga-production na madalas niyang kabiruan.
Pero habang sinasabihan niya ito ay sinasagot siya ng may halong bastos at walang modo.
Doon niya na-realize na hindi ito taga-production at nang panay ang pambabastos sa kanya ay doon nagsimula ang talakan, pero walang naganap na sampalan.
May namagitan daw at naawat ang pagtatalo nila. Kinabukasan ay bumalik pa raw uli ang lalaking iyon at nakipag-ayos sa kanya.
Kahit sikat na artista si Marian ay katulad siya ng mga ordinaryong tao lalo na napo-provoke.
Ipinakita raw niya ang pagka-Caviteña niya


hellokitty11.gif

            -NEXT-


  • Kung ang talent manager na si Popoy Caritativo ang tatanungin ay ayaw na sana niyang patulan ang tungkol sa video ng alaga niyang si Marian Rivera na naka- post sa Youtube, pero may ilang staff ng Dyesebel na saksi sa pangyayaring ‘yon ang nagtatanggol sa dalaga.
Sa naturang video, nagtataray si Marian sa isang lalaki.
Sabi ng iba, magaspang daw ang ugali ni Marian dahil sa ginawa niyang pagtataray sa video na ‘yon.
Pero ayon sa isang production staff, kahit sinong artista raw siguro ay magtataray rin kung mababastos ng ganoon.
Bago raw kasi nagtaray si Marian ay nahuli niyang kinukunan siya ng video ng lalaking ‘yon.
Nag-dialogue daw si Marian ng, “Hoy, si kuya, bini-video ako!”
Sumagot naman daw ang lalaki at ito ang unang nagtaray, “Sigurado ka bang ikaw ang bini-video ko?”
Obvious naman daw na si Marian ang bini-video ng lalaking ‘yon dahil kay Marian nakatutok ang cellphone nito na ginagamit sa pagbi-video.
Eh, sinasagut-sagot pa raw nang pabalang ng lalaki si Marian, kaya nairita na ang star ng Dyesebel at nakapagtaray na ito.
“Tao lang si Marian at nagpakatotoo lang siya sa ginawa niyang pagtataray,” pagtatanggol kay Marian ng isang staff ng Siyete.



hellokitty11.gif

            -NEXT-

Marian, nanampal ng bastos na fan?
Friday, May 23, 2008


KUMALAT nga sa YouTube ang bidyo ni Marian Rivera, na kung saan ay may tinatalak-talakan siya ng isang fan na lalake. May karugtong na eksena pa ang video, na may sumasampal-sampal sa lalakeng ‘yon, pero kamay na lang ang ipinakita.


Pinalalabas nga ng bidyo na ‘yon na basagulera at palengkerang si Marian.
Anyway, binasag na nga ni Marian ang pananahimik niya tungkol sa kumalat na bidyo na ‘yon sa YouTube, na nilagyan pa ng salitang Pokpok.
Obyus na gustong si*raan si Marian sa bidyo na ‘yon, lalo na at sikat na sikat ang Dyesebel ng GMA 7 ngayon. Pero, what else is new? 

Well, as the saying goes, no one can argue with success! Ha! Ha! Ha! Ha!
Sabi nga sa isang comment na naka-post sa YouTube, insecurity is a deadly disease! Get well soon, haters!

Nakakaloka, ‘di ba? Dalhin na sa ospital ‘yang mga insecure!
Sa pakikipagtsikahan namin kay Marian, hindi siya aware na nailagay sa YouTube ang bidyo na ‘yon.
“Ako, nasa YouTube? Wala po akong alam sa YouTube. Wala na akong time. Totoo po ‘yon. Wala akong time,” panimulang sabi ni Marian.
Kinulit namin si Marian kung may tao ba siyang sinaktan sa taping ng Dyesebel.

“Wala po akong sinasaktan! Wala akong sinasampal. Alin ba ‘yan? Sige, liwanagin natin ‘yan!” sabi niya.
Ang insidenteng naganap sa taping ng Dyesebel ang naisip ni Marian na pinagmulan ng bidyo sa YouTube.
“Ganito po ‘yon. Nasa set po kami ng Dyesebel sa Subic. Alam po ng lahat na bawal mag-video sa set lalo na kung hindi pa na-i-air.
“So nasa likod ko si Kuya at sabi ko, ‘O, si Kuya, nagbi-video.’ Tapos, sumagot po siya sa akin nang hindi maayos. Pabalang po kasi siyang sumagot at nagulat ako!
“And then, nagkasagutan po kaming dalawa. Na parang, ah, okey, ganito, ganito, ganito! So, nagkasagutan kaming dalawa!” kuwento ni Marian.


Ano ba ‘yung mga pabalang na sagot ng lalaki sa kanya?
“Sabi ko, ‘O kuya, nagbi-video...’ ‘Bakit, ikaw ba bini-video ko?’ Sabi ko, ‘Hindi po, kuya. Saan po ba kayo? Staff po ba kayo rito? Crew?’ Baka kasi nagdyu-joke kasi kabiruan ko ang lahat!
“Tapos sabi niya, ‘Nakaupo ako rito, ano’ng pakialam mo?’ Marami pong nakarinig nu’n. Actually, ayoko na po sanang sabihin sa inyo dahil marami namang nakarinig. Kasi kung sa akin, baka sabihin, pabor sa akin.
“Basta ganoon po ang nangyari hanggang sa nagkasagutan kaming dalawa. Hanggang sa dumating ang driver ko, mga cameraman na inawat kami hanggang sa kumalma kami.
“Ang point ko kasi, parang kahit maliit at at payatot lang po ako, hindi po ako papayag na apihin ng kahit sino dahil Cavitenia ako! Saka, nagulat po ako sa kanya kasi first time ko lang maka-encounter ng lalaking binastos ako!


“So nagulat ako bakit ganoon ang reaksyon niya sa akin? “Actually, nagulat din ako sa reaksyon ko kung bakit ganoon. Siguro ang nasa isip ko kasi, wala namang nang-aapi sa akin, eh. Kahit na sino ang mang-api sa akin, lalaban po talaga ako! Lalo na at Cavitenia po ako.
“Saka siguro, ‘yung sinasabi na pagsigaw-sigaw ko, likas naman talaga, kahit kayo alam ninyo na malakas talaga akong magsalita! Na kahit kami ‘pag nag-uusap kami, sigawan at tawanan talaga kami! Siguro, nami-misinterpret lang ako sa ganoon.
Ganoon lang naman po ang nangyari hanggang sa next day, may taping kami, pumunta siya at nagkapaliwanagan naman kami. ‘Yun lang po ang nangyari. Nahimasmasan siya. Ako nga rin, nabigla sa nangyari kung bakit ko nasabi ‘yon.


“After that kasi, na-realize ko na nabastos kasi ako. Sumagot kasi siya sa akin ng pabalang. Parang hindi naman po ako papayag o kahit na sinong tao na papayag na ganoon sagutin ng pabalang. Lalo na at babae ako! 

Nagbiro pa po ako. Wala po akong sinampal. Hindi ko po siya sinaktan! 
Nagsalita lang po ako. Nagsagutan lang kaming dalawa. Pero hindi ko po siya sinaktan. Hindi ko siya hinawakan. Wala po akong ganoon sa kanya!” mahabang pahayag na lang ni Marian.



hellokitty11.gif

           -NEXT-

Marian explains ‘scandal’ 
By: Mario E. Bautista 
Freehand
Friday, May 23, 2008


WE got a video called “Marian Rivera Scandal” and it shows the star of “Dyesebel” having an argument with a man. 

The video ends saying “Ganyan kapalengkera ang idol ninyo.” We asked Marian about it on the set of “Dyesebel” and she told us it happened while they were taping the now number one TV serial in Subic. “Bawal sa amin mag-video sa set at nang pababa ako ng bahay where we were taping I saw a man na nagbi-video,” she says. “I told him, Uy, si Kuya, nagbi-video. Nakangiti pa ako’t sa tonong pabiro. Sinagot ako ng pabalang: ‘Baket? Ikaw bang bini-video ko?’ Siyempre, nabigla ako, umalma ako. Ang feeling ko kasi, binabastos ako. Sabi ko, taga-saan ba siya. 

Member ba siya ng staff? Sabi sa’kin, ‘Nakaupo ako rito. Ano bang pakialam mo?’ Di nagkasagutan na kami. Kahit payatot ako, hindi ko siya uurungan. Lalaban talaga ako dahil Caviteña yata ako. First time kong naka-enkwentro ng ganun sa set, e nagbibiro pa nga ako. Pero the next day, bumalik siya sa set, nahimasmasan yata, so nagkaliwanagan kami. Nagkaayos na. 

Ewan ko ngayon kung bakit lumaki na. May nagbi-video pala sa amin sa simula ng pag-uusap namin at habang nagsasagutan kami, at yun, ikinalat na nga at inilagay para raw sa Youtube as Marian Scandal. Hindi ko pa napapanood pero nagdagdagan daw ng footage na may kamay na sumasampal doon sa lalaki, pero hindi ipinapakitang ako nga. Pero dahil akong kausap niya, siyempre, you’d presume ako ‘yun. 

Sabi nila, na-setup daw ako. I don’t know if that’s true, pero obvious na I was really provoked para mag-react ng ganun. Sa’kin naman, ipinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil naapi na ako. Dapat nga siguro, masanay na ako sa ganitong mga intriga kasi ito naman ang trabahong pinili ko. Pero sa’kin, huwag mo kong babastusin dahil hahamunin kita talaga ng suntukan.”

So what does she intend to do about it? “Aba, di bahala sila. Panoorin na nila ng panoorin. Basta ako, kumasa lang ako dahil I have to defend myself at ‘di ako papayag na magpabastos na lang basta.”

It’s timely that in this week’s “Dyesebel”, she will see the bad treatment that people give to a mermaid that they make fun of in a “perya” and she gets scared. 
“Ganun din naman ang gawain ng ibang tao sa mga artista, they heckle us,” says Marian. “The best thing is to just ignore these hecklers.”


hellokitty11.gif

         -NEXT-



  • SAGLIT lang naming nakausap si Dingdong Dantes dahil agad siyang kinuha ni Direk Bb. Joyce Bernal para kunan na ng eksena.So, ang napagbalingan namin ay si Marian Rivera na nang mabakante ay agad su-malang sa interview namin. Gustung-gusto kasi ni-yang liwanagin ang isyung nanampal daw siya ng isang lalaking fan sa taping nila sa Subic kamakailan.
“Wala akong sinampal at hindi ako nananampal dahil hindi ako bayolenting tao,” mabilis na sagot sa amin ni Marian nang maungkat namin ang isyu.
“Ganito ‘yun. Mabuti nang ako mismo ang magkuwento sa inyo. Sa taping namin sa Subic, pababa ako sa hagdan nang mapuna ko ang isang lalaking kumukuha ng video.

“Sabi ko sa kanya: Uy kuya nagbi-video kayo.
“Sagot niya sa akin: Nakaupo ako rito, ano’ng pakialam mo.
“Akala ko isa siya sa mga staff sa taping at akala ko ay nagbibiro lang siya, so inulit ko ang sabi kong: Uy si Kuya nagbi-video.
“Eh, nagalit siya at sinigawan niya ako ng: Anong pakialam mo?
“Aba kahit maliit lang ako kung nasa tama ako, hindi ako paaapi. Eh, di sinagot ko rin siya. 
“‘Yun na, away na. Pero hindi ko siya sinampal dahil mabilis kaagad kaming ina-wat ng mga tao sa taping.
“Sa galit ko, dapat nga ay hinamon ko siya ng suntukan, pero ‘yun nga naawat na kami.”
So, lumalabas na ‘yung nasa You Tube kung saan pinalalabas na nanampal daw si Marian, hindi naman pala sa kanya ‘yung mga kamay na nananampal.
Wala naman kasing na-kikitang mukha ng taong na-nanampal.
At nasabi namin na na-set-up lang si Marian, para i-provoke siya at kunan ng camera sa cellural phone ng mga nakaabang nang kasa-pakat ng lalaking umano’y sinampal ni Dyesebel.



hellokitty11.gif

           -NEXT-


Philippine Star
Scene/Seen
Friday, May 23, 2008

Scene : Malinaw ang kuha ng video ng pang-aaway ni Marian Rivera sa isang fan. May hinala ang fans ni Marian na may gustong sumabotahe sa kanya. May hinala sila na video camera ang ginamit nang kunan ang eksena, hindi mula sa cellphone camera.